Bagamat nakaranas ng sunod sunod na pagtapyas sa presyo ng produktong petrolyo sa bansa ang mga motorista.
Patuloy pa rin ang isinasagawang pagbabantay ng Pambansang Pulisya laban sa mga taong nananamantala sa nararanasang krisis sa krudo.
Batay sa datos ng PNP, 77 katao ang inaresto dahil illegal na pag iimbak, pagbebenta, transportasyon, kabilang na ang “paihi” scheme.
Habang 31 na ang kinasuhan mula sa naturang bilang ng naaresto.
Samantala, patuloy ang manhunt operation ng pulisya sa isa pang suspek sa gas and run incident na nangyare noong Abril a-20 sa Payatas, Quezon City.
Ayon sa pulisya, tukoy na nito ang pagkakakilanlan ng suspek na may kinasangkutan na rin na kaso kaugnay ng illegal na droga noong 2017 at frustrated murder naman noong 2020.
Unang naaresto ang 2 sa isinagawang follow up operation ng Quezon City Police District dahil sa pagtakbo matapos magpakarga ng ₱1,500 na halaga ng gasolina. I via Allen Ibañez, D8TV News
