Ipinagtaka ng ilang mambabatas ang paglaki ng yaman ni Vice President Sara Duterte, sa kabila ng anim na taong walang ideklarang cash sa kanyang SALN.
Rising wealth, ito ang sentro ng pagdinig ng House Committee on Justice kaugnay ng umano’y ill-gotten wealth ni Vice President Sara Duterte.
Napansin ni Manila Representative Joel Chua na mula 2019 hanggang 2024, wala umanong ideklarang cash on hand o bank deposits ang bise presidente.
Sa kabila nito, tumaas ang kanyang net worth mula P55 milyong noong 2019, hanggang P88.5 milyong noong 2024.
Kinumpirma ito ng Office of the Ombudsman sa pamamagitan ng Central Records Division OIC na si Karen Batu.
Pinagdududahan din ito ni Mamamayang Liberal Party-list Representative Leila de Lima.
Ayon sa kanya, noon ay nakapagdeklara naman ng liquid assets ang bise presidente sa kanyang mga naunang SALN mula 2007 hanggang 2018.
Ayon naman sa Ombudsman, umaabot na sa P88.5 milyong ang net worth ni Duterte hanggang 2024, habang nasa P9.9 milyong ang kanyang mga utang.
Sa kabuuan, tinatayang nasa P98.4 milyong ang kabuuang assets na ideklara ng bise presidente mula 2007.
Patuloy ang imbestigasyon ng Kamara upang matukoy ang posibleng discrepancy sa mga financial disclosure ng bise presidente. | via Judea Bernardo, D8TV Correspondent
