Dumalo sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos sa pagdiriwang ng ika-100 anibersaryo ng canonical coronation ng Our Lady of Manaoag sa Pangasinan.
Ginanap ang makasaysayang selebrasyon sa Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag bilang paggunita sa isang siglong debosyon at pilgrimage ng mga mananampalataya.
Sinimulan ang programa noong Martes sa rededication ng basilica, na sinundan ng engrandeng prusisyon at pontifical Mass.
Pinangunahan ang coronation rites ni Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown.
Sa seremonya, hinawakan ni Pangulong Marcos ang korona bago ito binasbasan ni Archbishop Brown bilang bahagi ng canonical coronation ng Mahal na Birhen ng Manaoag.
Ang Our Lady of Manaoag ay isa sa pinakabinibisitang simbahan sa bansa at kinikilalang mahalagang sentro ng faith tourism sa Pangasinan.
