Illegal escort at sirena sa kalsada, iniimbestigahan

Agad nagsagawa ng malalimang imbestigasyon ang PNP Highway Patrol Group (HPG) upang matukoy kung sino ang sangkot sa paglaganap ng mga pulis na nag-eescort ng pribadong sasakyan, at paggamit ng sirena at blinkers sa kalsada.

Ito’y matapos ihayag ni Sen. JV Ejercito ang kanyang pagkadismaya, at planong tapyasan ang budget ng ahensiya.

Ayon kay PNP HPG Spokesman Lt. Dame Malang, nakapagtala na sila ng 11,718 assorted na gamit gaya ng sirena, blinkers, at iba pa na inilalagay sa mga motorsiklo at kotse para sa hindi otorisadong pag-eescort.

Bukod sa mga private escort, iniimbestigahan din ng HPG kung mayroon sa kanilang hanay na sangkot sa ganitong ilegal na aktibidad

Dagdag pa ng opisyal, tanging HPG personnel lamang ang otorisadong magkaroon ng VIP escort. Sinomang mapatutunayang lumabag dito ay maaaring maharap sa kaukulang kaso.

Ipinaalala ng HPG sa publiko na kung may makita itong mga nagsasagawa ng VIP escort sa kalsada, agad itong ipagbigay-alam sa awtoridad upang maaksyunan kaagad. | via Allen Ibañez, D8TV Correspondent

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *