₱2-B inilaan para sa OFWs na nais magnegosyo

Naglaan ang Department of Trade and Industry (DTI) ng dalawang bilyong pisong pondo upang tulungan ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) na makapagsimula ng negosyo.

Sa ilalim ng OFW Negosyo Fund Program, maaaring umutang ang mga OFW mula ₱30,000 hanggang ₱20 milyon na may hanggang limang taong hulugan.

Ayon sa DTI, hindi muna sisingilin ang principal at interes sa unang taon sa mga kwalipikadong loan, habang ang pautang na hanggang ₱5 milyon ay hindi na kailangan ng kolateral.

Layunin ng programa na matulungan ang mga OFW na magkaroon ng kabuhayan sa gitna ng mga hindi tiyak na sitwasyon sa abroad.

Magsisimula ang programa sa March 12 at pangangasiwaan ng DTI-Small Business Corporation.

Maaaring mag-apply ang mga interesadong OFW sa mga DTI Negosyo Center sa buong bansa o sa online platforms ng ahensya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *