Cainta Mayor Kit Nieto, sasailalim sa indefinite medical leave

Inanunsyo ni Cainta Mayor Kit Nieto sa kanyang Facebook page na siya ay sasailalim sa indefinite medical leave simula ngayong Lunes, January 26, matapos matuklasan ang mga bara sa kanyang puso.

Na-confine na umano si Nieto sa ospital nitong Linggo, January 25, matapos makaramdan ng matinding pananakit ng dibdib.

Kasalukuyang nasa close medical monitoring ang mayor habang pinag-iisipan niya at ng kanyang pamilya kung anong klaseng procedure o surgery ang gagawin.

Ayon pa sa post, ang mga nakatakdang activities at events ni Nieto ay panandaliang nakahinto muna mula ngayon hanggang sa January 31.

Sa ngayon, si Vice Mayor Ace Bernardo Servillon ang magiging acting mayor ni Nieto hanggang sa siya ay tuluyang gumaling at makabalik sa pwesto. | via Kimberly Reyel

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *