Sen. Bato, umalis sa Senado

Kinumpirma ng isang opisyal ng Senate secretariat na umalis na sa Senado si Sen. Ronald dela Rosa matapos ang mga ulat ng tensyon at umano’y armed incident sa loob at paligid ng Upper Chamber.

Ito ay kasunod ng mga pangyayari noong Miyerkules ng gabi kung saan may napaulat na tangkang pagpasok ng mga armadong lalaki sa gusali ng Senado, na sinundan ng pagpapaputok ng warning shot ng Senate Office of the Sergeant-at-Arms.

Ayon sa Malacañang, walang tauhan ng pamahalaan na nagpaputok at kasalukuyang iniimbestigahan ang insidente upang matukoy ang buong pangyayari. Wala ring naiulat na nasaktan.

Nauna nang inilagay si dela Rosa sa Senate protective custody matapos ang umano’y pagtatangkang maghatid ng ICC-related arrest warrant laban sa kanya.

Patuloy namang hinihintay ang pormal na kumpirmasyon ng Senado hinggil sa eksaktong kinaroroonan ng senador habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *