Ipinanawagan sa pamahalaan na ibalik sa publiko ang kita mula sa fuel Value Added Tax, upang matulungan ang mga manggagawa at negosyanteng apektado ng mataas na presyo ng langis.
Ayon kay Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo “Ompong” Ordanes, hindi umano makatarungan na panatilihin ng administrasyon ang kita mula sa value-added tax o VAT sa produktong petrolyo sa halip na ibalik ito sa mga konsyumer.
Binatikos din ng mambabatas ang pananaw ng economic managers hinggil sa estado ng mga may-ari ng sasakyan sa bansa.
Dagdag pa niya, dapat umanong suriin ng pamahalaan ang datos mula sa Bangko Sentral hinggil sa motor vehicle loans upang mas maunawaan ang tunay na kalagayan ng mga Pilipino.
Bilang solusyon, iminungkahi ng mambabatas ang subsidized price cap o diskwento sa LPG, gasolina, diesel, at maging rebate sa kuryente.| via Judea Bernardo, D8TV Correspondent
