Duterte, iniuugnay sa sabotage claim vs Trillanes

Inilahad ng witness na si Ramil Madriaga sa pagdinig ng House justice panel na umano’y iniutos ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang sabotage operations laban kay dating senator Antonio Trillanes IV, ngunit nagkaroon umano ng alinlangan sa pag-uutos ng pagpaslang dahil sa koneksyon ni Trillanes sa militar.

Ayon kay Madriaga, itinalaga umano siya bilang counterintelligence agent at inatasang subaybayan si Trillanes. Gayunman, nilinaw niyang hindi siya bahagi ng alinmang ahensya ng gobyerno at direkta umanong empleyado ng dating pangulo.

Matatandaang si Trillanes ay kabilang sa mga naghain ng reklamo laban kay Duterte sa International Criminal Court kaugnay ng umano’y mga crimes against humanity sa kampanya kontra droga.

Samantala, inaasahang haharap din si Trillanes sa House justice panel sa April 22 makaraang ipa-subpoena para tumestigo sa susunod na pagdinig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *