Pasok ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Top 10 Government-Owned and Controlled Corporations sa buong bansa. Base yan sa performance ratings nito.
Tinanggap ng PCSO ang parangal sa ginanap na Governance Commission for GOCCs awarding kahapon, Disyembre 1 sa Parañaque City.
Batay sa 2024 performance evaluation scorecard, nakuha ng ahensya ang 100.63% na mas mataas pa sa itinakdang pamantayan ng GCG.
Bukod dito, kinilala rin si PCSO General Manager Melquiades Robles bilang top-performing leader.
Ayon sa PCSO, ang mga parangal at pagkilalang ito ay patunay ng patuloy na pagsusumikap ng ahensya na matiyak ang maayos na paghahatid ng serbisyo sa publiko.
