Palasyo: Handa ang Pilipinas na mamuno sa ASEAN 2026

Handa na ang Pilipinas na pamunuan ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), na ngayo’y may 11 miyembro, at maging host ng biannual summit sa Maynila sa susunod na taon.

Ayon kay Palace press officer Claire Castro, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 47th ASEAN Plenary na muling pagtitibayin ng bansa ang paninindigan nito sa “ASEAN centrality” ang prinsipyo na nagsisiguro na ang mga isyung panrehiyon ay nareresolba sa loob mismo ng ASEAN, hindi pinangungunahan ng mga malalakas na banyagang bansa.

Dagdag pa ng Pangulo, mahalagang ito’y mapanatili habang hinaharap ng rehiyon ang mga hamon tulad ng sigalot sa South China Sea, sitwasyon sa Myanmar, banta sa kapayapaan at seguridad sa karagatan, at mga epekto ng climate change, pag-uga ng ekonomiya, at transnational crime.

Sa gilid ng summit, nakipagpulong din si Marcos sa mga lider ng Cambodia, Thailand, Canada, European Union, Japan, at United Nations. Sa pagpupulong niya kay Canadian Prime Minister Mark Joseph Carney, pinasalamatan niya ang Canada sa patuloy nitong suporta at sa pagkakapareho ng paninindigan sa rules-based international order. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *