Pitong bagong santo ang idineklara ni Pope Leo XIV nitong Linggo kabilang ang dating Satanic priest na si Bartolo Longo, na muling nagbalik-loob sa Katolisismo at nagtayo ng Shrine of Our Lady of the Rosary of Pompeii.
Kasama ni Longo sa mga bagong santo sina:
• Ignatius Choukrallah Maloyan, obispong Armenyo na pinaslang noong genocide ng 1915,
• Peter To Rot, lay catechist mula Papua New Guinea na pinatay ng mga Hapones,
• Dr. José Gregorio Hernández, kilala bilang “doktor ng mahihirap” sa Venezuela,
• Vincenza Maria Poloni, tagapagtatag ng Sisters of Mercy of Verona,
• Maria Carmen Rendiles Martínez, madre na ipinanganak na walang kaliwang braso at nagtatag ng Servants of Jesus, at
• Maria Troncatti, misyonerang naglingkod sa mga katutubong komunidad sa Ecuador.
Tinawag ni Pope Leo ang mga bagong santo bilang mga “martir ng pananampalataya, misyonero, at mga huwaran ng kabutihan.”
Humigit-kumulang 70,000 katao ang dumalo sa seremonya sa St. Peter’s Square, kung saan pormal na binasa ang canonization formula na nagpatibay sa kanilang kabanalan.
Matapos ang misa, umikot si Pope Leo sa popemobile upang basbasan ang mga dumalo tanda ng bagong kabanata ng pananampalataya mula apat na kontinente. | via Allan Ortega
