Dalawa ang naiulat na nasawi, habang tatlo ang nawawala sa sunog sa isang paupahang bahay sa San Isidro, Galas, Quezon City nitong madaling araw ng Pebrero 27. Umabot ito sa unang alarma at naapula matapos ang 45 minuto. Patuloy ang imbestigasyon sa insidente, kabilang ang pagtukoy sa mga biktima at sanhi ng sunog. Wala pang impormasyon sa halaga ng pinsala. – via Allan Ortega | Video via Crixzstina Rivera De Ocampo
Sunog sa QC, dalawa ang nasawi
