Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Court of Appeals Justice Mariflor Punzalan-Castillo bilang acting Ombudsman ng Pilipinas. Kinumpirma ito ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa pamamagitan ng Viber message sa media.
Si Punzalan-Castillo ay una nang hinirang bilang Presiding Justice ng Court of Appeals noong Nobyembre 2023. Bago ito, nagsimula siya bilang investigator noong 1979 at naging prosecutor sa Office of the Tanodbayan noong 1985. | via Allan Ortega | Photo via msn
#D8TVNews #D8TV
