Pagoda ng Bocaue, muling liligid ngayong taon

Pormal nang binasbasan kahapon, June 26, ang Pagoda ng Mahal na Poon ng Krus sa Wawa bilang bahagi ng ika-175 taon na pagdiriwang nito sa Bayan ng Bocaue, Bulacan.

Ang nasabing pagoda ay gagamitin upang ilulan ang Banal na Krus kasabay ng siyam na gabing Lutrina sa ilog.

Pagtapos ng siyam na gabi ay ang araw ng “Dakilang Kapistahan” na ipinagdiriwang tuwing unang linggo ng Hulyo.

Ayon sa kasaysayan, nagsimula ang tradisyon matapos may makitang itim na krus sa bukana ng Ilog ng Bocaue sa unang linggo ng Hulyo, taong 1850.

Ngunit taong 1993, nahinto ang tradisyon nang lumubog ang Pagoda na kumitil sa buhay ng hindi bababa sa 200 katao. Taong 2014 naman nang makabalik ang Pagoda matapos mahinto ng mahigit dalawang dekada.

Ngayong taon, “Isandaan at Pitumpu’t Limang Taon ng Biyaya at Pag-asa sa Bayan ng Bocaue” ang magiging tema para sa kapistahan ng bayan na gaganapin sa Hulyo 6. | via Florence Alfonso | Photos via St. Martin of Tours Parish Bocaue

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *