Magsasagawa ng reblocking at pagkukumpuni ng kalsada ang Department of Public Works and Highways (DPWH) mula 11 PM ngayong Pebrero 21 hanggang 5 AM sa Pebrero 24 sa mga sumusunod na lugar:
- C-3 Road (Westbound) – mula Torsillo Street hanggang Navotas/Caloocan boundary, Caloocan City
- EDSA (Southbound) – mula Zamora Street hanggang Taft Avenue, Pasay City
- Gen. San Miguel (Westbound) – mula Buklod ng Nayon Street hanggang Paz Street, Caloocan City
Ang mga kalsadang ito ay muling madaraanan sa Lunes, Pebrero 24, alas-5 ng umaga.
Pinapayuhan ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta upang maiwasan ang abala. – via Allan Ortega