Arestado ang limang hinihinalang miyembro ng kilalang “Ativan Gang” matapos umanong dayain at pagnakawan ang isang 23-anyos na French na turista sa lungsod.
Ayon sa ulat ng pulisya, nilapitan ng mga suspek ang biktima, pinainom ng inuming may halong pampatulog, at kinuha ang kanyang mga personal na gamit habang wala siyang malay. Ang modus operandi ng “Ativan Gang” ay ang paglalagay ng pampatulog sa inumin ng target na biktima para madaling maisagawa ang pagnanakaw.
Sa kasalukuyan, nahaharap ang mga suspek sa kasong robbery at paglabag sa Anti-Drug Law. Pinayuhan ng mga awtoridad ang publiko, lalo na ang mga turista, na maging mapagmatyag at iwasang tumanggap ng inumin mula sa hindi kilalang tao. | via Dann Miranda | Photo via Southern Police District
#D8TVNews #D8TV