Hindi apektado si PBBM sa pagbaba ng ratings, pagbagsak ay dahil sa fake news – Palasyo

Kahit bumagsak ng 17 puntos ang performance rating ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa Pulse Asia survey, tikom pa rin siya sa pressure, ayon sa Malacañang.

Mula 42% noong Pebrero, bumagsak sa 25% ang kanyang rating nitong March, habang pumalo naman sa 53% ang kanyang disapproval rating — tumaas ng 21 puntos! Pero ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, dedma lang si PBBM: “Walang survey ang makapipigil sa kanya. Tuloy lang sa trabaho!”

Sinisisi ng Palasyo ang laganap na fake news online sa pagbaba ng ratings. Anila, baka ang mga respondents ay nalason ng maling impormasyon. Kaya’t agad na nagpatawag ng pulong si Marcos kasama ang DICT para solusyunan ang isyu ng pekeng balita at palakasin ang internet sa bansa.

Binigyang-diin din ng Palasyo na ang 2,400 respondents ay hindi sumasalamin sa sentimyento ng buong bansa. | via Allan Ortega | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *