50°C na temperatura naitala sa Laguna

Umabot sa matinding 50°C ang heat index ngayong Holy Wednesday, sa Los Baños, Laguna, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). Ito ang pinakamataas na naitala sa buong bansa ngayong araw.

Ayon sa PAGASA, ang mataas na heat index ay dulot ng kombinasyon ng mataas na temperatura at humidity. Nagbabala ang ahensya na ang ganitong antas ng init ay maaaring magdulot ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke lalo na sa mga matatanda, bata at may sakit.

Payo ng PAGASA, uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang dehydration. Iwasan ang matagal na pagkakalantad sa araw. Magsuot ng magagaan at maliwanag na damit. Gumamit ng payong. Inaasahan na magpapatuloy ang mainit na panahon sa mga susunod na araw. | via Dann Miranda | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *