‘Holy Week Economy’ nag-uudyok ng panandaliang pag-unlad

Habang abala ang mga kababayan natin sa paggunita ng Semana Santa sa pamamagitan ng paglalakbay, pagdarasal, at tradisyon ng pananampalataya, kasabay nitong sumigla ang ekonomiya sa iba’t ibang sektor — isang phenomenon na tinaguriang “Holy Week Economy.”


Ayon sa NLEX Corporation, humigit-kumulang 385,000 sasakyan kada araw ang bumaybay sa North Luzon Expressway (NLEX) sa kasagsagan ng Semana Santa upang tugunan ito, nag-deploy sila ng 1,500 personnel at muling binuhay ang kanilang 24/7 motorist assistance program. Samantala, dagsa rin ang mga biyahero sa mga pantalan. Tinatayang 1.73 milyong pasahero ang bumyahe sa iba’t ibang daungan sa buong bansa, ayon sa Philippine Ports Authority (PPA), dahilan upang higpitan ang seguridad at pahabain ang oras ng operasyon ng mga terminal.


Sa mga top destinations tulad ng Tagaytay, Batangas, at Baguio, fully booked ang mga hotel at resort. Base sa ulat ng travel platform na AirAsia MOVE, nakikinabang din ang mga tricycle at jeepney driver sa dami ng mga taong dumadayo sa simbahan at mga pasyalan. Nakatulong din ang rollback sa presyo ng gasolina, kung saan ₱3.50–₱4.00 kada litro ang nabawas sa presyo ng petrolyo ngayong Holy Week. | via Dee Zand’te | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *