Motorsiklo sumalpok sa puno 4 na magkakaanak patay sa Quezon

PATAY ang apat na miyembro ng isang pamilya makaraang sumalpok ang kanilang sinasakyan na isang Rusi motorcycle na walang plaka nuon hapon ng Miyerkules sa Brgy. Vigo, San Narciso, Quezon.

Ayon sa report ng San Narciso PNP sakay ng nasabing motorsiklo ang apat na biktima sa kahabaan ng San Andres-San Narciso Road ng mawalan ng kontrol sa manibela ang rider ng motorsiklo na edad 23 anyos ang padre de pamilya na siyang nagmamaneho kabilang ang kanyang 19 anyos na asawa at ang kanilang 6 na taon gulang na anak na babae at ang 14 anyos na dalagitang kapatid ng asawa ng rider ng motorsiklo na pare parehong residente sa Brgy. Busukbusukan ng kaparehong bayan.

Naisugod pa sa Quezon Provincial Hospital Network ang apat na biktima subalit idineklarang dead on arrival ng mga rumespondeng doktor. | Koi Hipolito, contributed story

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *