Pamasahe sa Eroplano Tataas sa Marso

Magbabayad ng mas mahal ang mga pasahero ng eroplano sa Marso matapos itaas ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang fuel surcharge sa Level 5 mula sa kasalukuyang Level 4—ang unang pagtaas sa loob ng limang buwan.


Sa ilalim ng Level 5, ang dagdag-singil sa domestic flights ay nasa P151 hanggang P542, habang P498.03 hanggang P3,703.11 naman sa international flights. Halimbawa, ang surcharge para sa biyahe mula Maynila papuntang Cebu ay magiging P316, habang P498.03 naman para sa Hong Kong o Vietnam.


Ang fuel surcharge ay hiwalay sa base fare at ginagamit upang mabawi ng mga airline ang gastos sa gasolina. Inaasahan dahan-dahan pang lalaki ang demand sa air travel ngayong taon, ayon sa International Air Transport Association. – via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *