Napilitang lisanin ni Pangulong Donald Trump ang kanyang helicopter noong Huwebes matapos mapansin ng mga opisyal ang problema sa gulong bago ito lumipad patungong Doral golf club sa Florida.
Dumating si Trump sa Miami International Airport bandang alas-4:45 ng hapon sakay ng Air Force One at agad na lumipat sa Marine One, pero hindi ito lumipad matapos matuklasang may flat tire. Makikita ang pangulo na lumalakad sa runway, suot ang kanyang pulang MAGA hat, papunta sa isa pang helicopter.
Sa kabila ng saglit na aberya, ligtas siyang nakarating sa Doral bandang 5:35 ng hapon para sa isang hapunan kaugnay ng LIV Golf Tournament, kung saan inaasahan siyang magtalumpati.
Matapos ang event, pupunta si Trump sa Mar-a-Lago at mananatili sa kanyang Jupiter golf club sa weekend para sa torneo at isang charity ball. Balik Washington DC siya sa Linggo ng gabi. | via Allan Ortega | Photo via Reuters
#D8TVNews #D8TV