Timbog 5 POGO workers sa Zamboanga International Airport

Nahuli ang 5 manggagawa sa ngayong ipinagbabawal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Zamboanga International Airport.

Ayon sa Bureau of Immigration (BI), kinilala sila Ying Guanzhen, 31; Yang Jinlong, 29; Liu Xin, 28; Shen Kan, 36; and Luo Honglin, 27. Sila’y blacklisted ng BI at lumalabas na nilabag din nila ang terms and condition ng kanilang pananatili sa bansa. Dalawa sa mga nahuli ay pinaghahanap ng mga awtoridad sa China, lahat naman silang 5 ay na-link sa dating na raid na POGO na Lucky South 99.

Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony M. Viado, tinugis nila ang 5 Chinese nationals matapos makatanggap ng impormasyon na magtatangka ang grupo na lumabas ng bansa mula sa “backdoor” o Tawi-Tawi papuntang Sabah lulan ng “transporter”. Ang transporter ay isang indibidwal na namumuno ng iligal na pag-biyahe ng mga tao mula sa Pilipinas papunta sa mga karatig-bansa.

Matapos ang paghuli sa mga Chinese National tinurnover ng BI ang mga ito sa Philippine National Police (PNP) para sa kanilang preliminary investigation. | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *