Asahan ang matinding trapik sa NLEx sa loob ng 2 linggo

Asahan ang matinding trapiko sa NLEX northbound papuntang Marilao, Bulacan! Sinimulan na ang pagkukumpuni ng Marilao Interchange Bridge matapos banggain ng isang 18-wheeler truck noong Miyerkules.
Ayon sa NLEx Corp., tatagal ang repair hanggang bago mag-Semana Santa—peak season ng biyahe sa Norte. Lumagpas sa 4.2-meter height limit ang trak na may kargang oxygen tanks, dahilan ng pagbangga.
Dahil dito, sarado ang gitnang northbound lanes, pero may zipper lane sa southbound para maibsan ang trapik. Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa MacArthur Highway. Planuhin ang biyahe para iwas-abala! | via Allan Ortega | Photo via NLEx Corp.

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *