Pormal nang tinanggap ng Senado ang Articles of Impeachment laban kay Vice Pres. Sara Duterte matapos itong lagdaan ni Senate Pres. Alan Peter Cayetano.
Ayon kay Cayetano, agad na daraan sa tamang proseso ang kaso alinsunod sa Article 11, Section 3 ng Konstitusyon, at inatasan na ang Senate Secretariat na isama ito sa calendar of business para sa pormal na referral sa impeachment court.
Nakatakdang mag-convene ang impeachment court sa May 18, 2026, alas-3 ng hapon para simulan ang pagdinig at deliberasyon.
Tiniyak din ng Senate President na susunod ang Senado sa Konstitusyon at umiiral na rules, at sa oras na makapaglabas ng summons ay magtutuloy-tuloy na ang proseso.
Dagdag pa ni Cayetano, gagawa ng draft calendar ang Senado upang matiyak ang maayos at objective na takbo ng pagdinig, at wala siyang nakikitang dahilan upang maantala ang impeachment trial.
