Agarang imbestigasyon sa nangyaring insidente sa Senado, ipinanawagan

Nagbigay ng pahayag si Sen. Panfilo Lacson hinggil sa naganap na insidente sa Senado noong Mayo 13, kung saan ilang putok ng baril ang naiulat sa loob ng gusali.

Ayon sa senador, mahalagang tutukan sa imbestigasyon kung sino ang may “means, opportunity, at motive,” na aniya ay posibleng pinakamalapit na suspek sa nangyari.

Bilang dating hepe ng Philippine National Police, binigyang-diin ni Lacson na kailangang agad matukoy kung sino ang nagpaputok, sino ang target, at kung ano ang motibo sa likod ng insidente.

Sa hiwalay na pahayag, kinumpirma rin ng senador na ligtas ang lahat ng kanyang staff sa Senado at walang naitalang sugatan o nasawi sa kanilang hanay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *