Kakayahan ni VP Sara, kinuwestiyon

Binatikos ni Presidential Communications Office Usec. Claire Castro si Vice President Sara Duterte matapos umano nitong amining nahihirapan siyang gumamit ng computer.

Ayon kay Castro, nakababahala umano ito lalo na’t ikinokonsidera si Duterte para sa mas mataas na posisyon sa pamahalaan.

Binanggit din ng PCO official ang naging termino ni Duterte bilang kalihim ng Department of Education, kung saan umano’y inamin nitong hindi niya personal na nare-review ang ilang mahahalagang polisiya.

Kinuwestyon din ng PCO official ang paraan umano ng pamumuno ng bise presidente at ang pagdepende nito sa mga tauhan para sa ilang gawain.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *