Umabot sa 52% ng mga pamilyang Pilipino ang nagsabing sila ay mahirap, batay sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) para sa March 2026.
Ayon sa First Quarter Social Weather Survey na isinagawa mula March 24 hanggang 31, 13% ng mga respondent ang itinuring ang sarili bilang “borderline poor,” habang 35% ang nagsabing hindi sila mahirap.
Mas mataas ito ng isang porsyento kumpara sa 51% noong November 2025, ngunit mas mababa kumpara sa 57% annual average noong 2024.
Lumabas din sa survey na tumaas ang median self-rated food poverty threshold sa ₱8,000 mula ₱7,000, na indikasyon ng mas mataas na gastusin sa pagkain.
Tinatayang 14.5 milyong pamilya ang itinuturing ang sarili na mahirap, kabilang ang 1.9 million “newly poor” o bagong pasok sa kahirapan sa nakalipas na isa hanggang apat na taon.
Isinagawa ang survey sa 1,500 adult respondents sa buong bansa na may sampling error margin na plus minus 3%.
