PBBM, namuno sa makasaysayang trilateral talks sa Cebu

Nagkaroon ng makasaysayang trilateral meeting sa Cebu kung saan pinangasiwaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-uusap sa pagitan ng Thailand at Cambodia upang mapaluwag ang tensyon sa kanilang border dispute.

Sa sidelines ng 48th ASEAN Summit, nagkamay sina Cambodian Prime Minister Hun Manet at Thai Prime Minister Anutin Charnvirakul matapos ang pulong na inorganisa ng Pilipinas bilang ASEAN chair.

Ayon kay Marcos, layunin ng pagpupulong na isulong ang dayalogo, paggalang, at mapayapang resolusyon sa patuloy na alitan sa border na nauwi na sa mga armadong sagupaan noong 2025.

Tinatayang umabot sa halos 150 katao ang nasawi at daan-daang libo ang naapektuhan sa labanan bago nagkaroon ng pansamantalang ceasefire sa pamamagitan ng ASEAN.

Nagkasundo ang dalawang bansa na ipagpatuloy ang komunikasyon sa pamamagitan ng kanilang foreign ministries at palawigin ang mandato ng ASEAN observer team upang maiwasan ang muling paglala ng sigalot.

Parehong nagpasalamat ang Thailand at Cambodia sa Pilipinas sa papel nito sa pagpapadali ng pag-uusap para sa kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *