Pahayag ni Franco Mabanta, baluktot – Romualdez

“PGMN is twisting the narrative.”

Ganito itinanggi ng kampo ni dating House Speaker at Leyte Representative Ferdinand Martin Romualdez ang paratang na paglabag sa malayang pamamahayag kaugnay sa pag-aresto sa founder ng PGMN na si Franco Mabanta.

Sa pahayag ni Attorney Elaine Atienza, tagapagsalita ni Romualdez, nilinaw nitong hindi isyu ang kritisismo sa gobyerno o malayang pamamahayag

Ayon kay Atienza, ang pangunahing tanong umano ay kung may naganap na panghihingi ng pera kapalit ng Hindi paglalabas ng isang video o nilalaman.

Sinabi rin niya na ginawa lamang ni Romualdez ang dapat gawin ng sinumang nakaranas ng kaparehong sitwasyon, ang dumulog sa mga kinauukulang awtoridad.

“Whatever materials or exposés they claim to possess are irrelevant to the criminal allegations of extortion now under investigation. If anyone believes he has evidence of wrongdoing by public officials, the proper course is simple: release it, submit it to the authorities, and let the proper institutions act on it — not use it as leverage in exchange for money”, ani Atienza.

Dahil dito, kumilos ang National Bureau of Investigation o NBI alinsunod sa mandato nito sa ilalim ng batas.

Binigyang-diin din ni Atienza na anumang materyales o expose na sinasabing hawak ng PGMN ay Hindi mahalaga sa kasalukuyang imbestigasyon ng umano’y extortion.

Ayon pa sa kanya, kung may ebidensiya man laban sa mga opisyal ng pamahalaan, dapat Ito umanong isapubliko o isumite sa mga awtoridad at hayaang umusad ang imbestigasyon sa tamang proseso.

Nanindigan din ang kampo ni Romualdez na ang ganitong gawain ay nakasisira sa lehitimong pamamahayag at sa tiwala ng publiko sa mga tunay na institusyon ng media. | via Judea Bernardo, D8TV Correspondent

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *