Tropical storm Hagupit, posibleng pumasok sa PAR

Inaasahang posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Storm Hagupit sa pagitan ng Sabado ng gabi at Linggo ng umaga, ayon sa PAGASA.

Kapag pumasok ito sa PAR, tatawagin itong “Caloy.”

Sa huling ulat, ang bagyo ay nasa 2,015 km silangan hilagang-silangan ng Northeastern Mindanao, taglay ang lakas ng hangin na 65 km/h at pagbugsong umaabot sa 80 km/h, habang kumikilos pa-kanluran sa bilis na 20 km/h.

Ayon sa PAGASA, maaari itong lumakas bilang high-end tropical storm sa mga susunod na araw bago unti-unting humina at posibleng maging tropical depression pagsapit ng Martes habang nasa Philippine Sea.

Samantala, patuloy na nakaaapekto ang isang low pressure area (LPA) sa ilang bahagi ng bansa, lalo na sa Visayas at Mindanao, na nagdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.

Sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa, inaasahan ang maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan dulot ng easterlies. | via Allan Ortega, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *