PBBM, Sen. Imee, halos 3 taon nang hindi nag-uusap

Kinumpirma ng Malacañang na halos tatlong taon nang hindi nagkakausap sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at kanyang kapatid na si Senador Imee Marcos, ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro.

Sa isang press briefing ngayong Martes, sinabi ni Castro na mismong ang Pangulo ang nagkumpirma ng matagal nang walang komunikasyon ang dalawa matapos banggitin ng senadora na “non-existent” na umano ang kanilang relasyon.

Ayon pa sa Palace official, tila sumang-ayon ang Pangulo sa paglalarawan ng kanyang kapatid sa kasalukuyang estado ng kanilang relasyon, at inamin ang pagkakalayo nila.

Dagdag ni Castro, kapansin-pansin umano ang reaksyon ng Pangulo nang tanungin tungkol dito, at tila nakitaan ito ng kalungkutan.

Gayunman, nilinaw ng Malacañang na wala umanong sama ng loob ang Pangulo sa kanyang nakatatandang kapatid.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *