Inanunsiyo ng Department of Energy (DOE) na naiwasan ang posibleng P7 dagdag sa singil sa kuryente dahil sa mga hakbang ng pamahalaan upang mapanatiling abot-kaya ang presyo ng enerhiya.
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, bunga ito ng mga inisyatiba ng ahensya para matiyak ang sapat at murang suplay ng kuryente sa bansa.
Dagdag pa niya, maaari pang bumaba ang singil sa kuryente kung aalisin ang value-added tax o VAT sa power charges, ngunit kailangan pa itong pag-aralang mabuti dahil sa epekto nito sa ekonomiya at kita ng gobyerno.
Binigyang-diin ng DOE na ang desisyon ukol sa VAT ay nasa Kongreso at mga economic managers, at kailangang balansehin ang mas mababang singil sa kuryente at ang pondo para sa mga serbisyong publiko.
