Nananatiling mapayapa ang isinasagawang kilos protesta ng ibat ibang grupo sa paggunita ng Araw ng Manggawa ngayong May 1 sa buong bansa.
Sa datos ng Pambansang Pulisya ngayong umaga, mayroong 19 na mga pagkilos ang namonitor ng pulisya sa 8 rehiyon sa bansa kung saan nilahukan ito ng 4,375 na katao.
Ayon kay PNP Spokesman Brig. Gen. Randulf Tuaño, walang naitalang anumang untoward incidents ang pulisya sa mga kilos protesta.
Saad pa ni Tuaño, hindi na nila inaasahan na tataas pa ang bilang ng mga ito hanggang mamayang hapon.
Sa usapin naman ng deployment ng pulisya ngayong labor day, iginiit ni Tuaño na hindi overkill ang pagdedeploy ng 106, 000 na pulis sa buong bansa at paglalagay sa full alert status.
“Sinasabi nga ng PNP, There’s no such thing as overkill as far as preparations is concern. Sapagkat ang sinasabi namin hindi po nag aalala ang Philippine national police sa mga grupo o nagrarally o magpoprotesta. Ang ating binabantayan ay yung mga grupo na may nais maghasik ng gulo kung saka sakali”. Ani Tuaño.
Mananatili ang full alert status hanggang Mayo a-dos habang patuloy na pinapairal ng pulisya ang maximum tolerance sa pagbabantay sa kilos protesta. Via Allen Ibañez, D8TV Correspondent
