ON LABOR DAY: Manggagawang pilipino,’Tunay na Buhay ng Bansa’ – Speaker Dy

Kinilala ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III, ngayong labor day, ang mahalagang papel ng mga manggagawang Pilipino sa pag-unlad ng bansa

Nagbigay-pugay si Speaker Dy sa mga manggagawang Pilipino, lokal man o nasa ibang bansa, bilang pangunahing puwersa sa pagpapalago ng ekonomiya at paghubog ng kinabukasan ng Pilipinas.

“Sa pagdiriwang natin ng Araw ng Paggawa, kinikilala natin ang mahalagang papel ng bawat manggagawa sa pag-usad ng ating ekonomiya at sa paghubog ng kinabukasan ng ating bayan”, ani Dy.

Binigyang-diin din ng lider ng Kamara na ang mga manggagawa ang nagsisilbing pundasyon ng kaunlaran ng bansa.

Dagdag pa nito, “Kayo ang nagsisilbing lakas at buhay ng ating bansa, kayo ang tunay na lifeblood ng ating nation. Sa inyong sipag, tiyaga, at sakripisyo, patuloy na umaandar ang industriya, serbisyo, at kaunlaran ng Pilipinas.”

Kinilala rin ni Dy ang patuloy na hamon na kinakaharap ng sektor ng paggawa, kabilang ang usapin sa sahod, benepisyo, seguridad sa trabaho, at maayos na kondisyon sa paggawa.

Tiniyak naman ng Speaker na patuloy ang pagsisikap ng Kamara na mapabuti ang kalagayan ng mga manggagawa sa pamamagitan ng mga panukalang batas at polisiya. | via Judea Bernardo, D8TV Correspondent

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *