Nasa 11 lugar sa bansa ang inaasahang makararanas ng “danger level” heat index ngayong Biyernes, Mayo 1, ayon sa PAGASA.
Sa forecast ng state weather bureau, aabot sa 43°C ang heat index sa Dagupan City, Pangasinan, habang 42°C naman sa iba pang lugar kabilang ang Tuguegarao City, Iloilo City, at ilang bahagi ng Luzon at Visayas.
Ayon sa PAGASA, ang heat index na 42°C hanggang 51°C ay itinuturing na danger level na maaaring magdulot ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke.
Paalala ng ahensya, uminom ng maraming tubig, iwasan ang matagal na exposure sa araw, at magsuot ng preskong damit.
