Nagsagawa ng civil society mission ngayong araw ang Atin Ito Coalition patungo sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea.
Ito na ang ika-apat na civilian mission ng grupo kung saan layon ng misyon na maghatid ng supply na pagkain at gasolina para sa mga mangingisdang Pilipino sa lugar.
Bagamat civilian-led na inisyatiba ito ng grupo, tiniyak ng Armed Forces of the Philippines na masusi nilang minomonitor at sinusuportahan ang aktibidad sa pamamagitan ng maritime domain awareness at koordinasyon upang masiguro ang ligtas na paglalayag ng grupo.
Sumasalamin anila ang hakbang ng grupo sa diwa ng bayanihan at matibay na paninindigan ng mga Pilipino na igiit ang kanilang karapatan sa karagatan.
Kasunod nito, tiniyak ni AFP Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, na patuloy ang kanilang pagbabantay at pagprotekta sa soberanya ng bansa laban sa anumang pagsubok na kakaharapin nito. I via Allen Ibañez, D8TV News
