Huli sa akto ang dalawang babae na nagsasagawa ng botox at glutathione sa isang skin care clinic sa Isabela.
Sa operasyon na isinagawa ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group, nakatanggap ng impormasyon ang mga ito na may 2 katao ang illegal na nagsasagawa ng medisina kapalit ay pera.
Naaktuhan ng mga otoridad sina alyas “maya” at “minda” na umanoy nagbibigay ng Botox at glutathione injections sa mga kliyente, kapalit ng bayad na umaabot sa ₱15,000 at ₱3,500 kada session.
Nang hingan ng otoridad katuwang ang Food and Drug Administration at Business Permit and Licensing Office ang dalawa ng mga kaukulang dokumento, walang maipakita na lisensya ang mga suspek para magsagawa ng naturang medical procedures.
Nakumpiska sa operasyon ang iba’t-ibang medical paraphernalia tulad ng botox vials, mga hiringgilyang may laman na substance, saline solution at iba pang kagamitan.
Batay rin sa imbestigasyon, lumalabas na hindi rehistradong doktor o lisensyado ng Board of Medical Examiners ang dalawa para magsagawa ng anumang operasyon sa mga kliyente nito.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Medical Act of 1959 at Food and Drug Administration Act of 2009. I via Allen Ibañez, D8TV Correspondent
