Taas-presyo sa produktong petrolyo, asahan

Asahan ang posibleng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo bunsod ng patuloy na paghina ng piso kontra dolyar.

Ayon kay Department of Energy Secretary Sharon Garin, nakita sa unang tatlong araw ng trading ang posibleng upward adjustment sa presyo ng langis, bagama’t wala pa itong pinal na datos.

Batay naman sa 2-day trading sa Mean of Platts Singapore (MOPS), posibleng tumaas ng ₱1 hanggang ₱3 kada litro ang diesel, habang ₱1 hanggang ₱2 naman ang gasolina.

Sinabi ng DOE na patuloy nilang mino-monitor ang galaw ng merkado ng langis at maghihintay pa ng kumpletong trading results bago kumpirmahin ang aktwal na price adjustment.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *