Pending asylum petition ni Co sa France, kinumpirma

Kinumpirma ng Malacañang na nasa hurisdiksyon na ng French authorities si dating AKO BICOL Rep. Zaldy Co matapos umano itong humiling ng political asylum sa France.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, natanggap ng Palasyo ang kumpletong ulat mula kina Justice Secretary Fredderick Vida at Foreign Affairs Secretary Teresa Lazaro kaugnay sa sitwasyon ni Co.

Sinabi ni Castro na batay sa high-level engagements ng Pilipinas sa Czech Republic at European Union officials, ang mga hakbang ay nakaayon sa umiiral na batas ng European Union at ng mga member states nito.

Ayon pa sa Malacañang, nangangailangan ng masusing diplomatic coordination ang usapin, lalo na matapos matukoy na hawak noon si Co ng Czech authorities dahil umano sa paggamit ng invalid documentation.

Ani Castro, may pending petition for political asylum sa France si Co at kasalukuyan na itong nasa ilalim ng French jurisdiction.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *