Palasyo, iginiit na walang mali sa pahayag ni PBBM sa ‘pagkahuli’ kay Co

Nilinaw ng Malacañang na walang mali sa naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa sinabing pagkakahuli ni dating Cong. Zaldy Co.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, “very general” umano ang paggamit ng salitang nahuli at hindi ito nangangahulugang pormal na aresto.

Iginiit din ng Palasyo na hindi mali ang Pangulo sa kaniyang inulat noong April 16 na nasa kustodiya ng Czech Republic ang dating mambabatas at may umiiral nang close coordination sa pagitan ng Pilipinas at Czech para sa agarang pagpapauwi kay Co.

Paliwanag pa ni Castro, agad itinama ng Presidential Communications Office ang terminong ginamit matapos igalang ang paglilinaw ng Czech authorities hinggil sa tunay na status ni Co.

Posibleng nagamit umano ng ahensiya ang terminong “aresto” dahil ito ang kanilang pagkaka-translate sa salitang “nahuli”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *