Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Mel Senen Sarmiento bilang bagong Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU), kasunod ng pagbibitiw ni Carlito Galvez Jr.
Ayon sa Malacañang, kinumpirma ni Palace Press Officer Claire Castro na tinanggap na ng Pangulo ang pagbibitiw ni Galvez mula sa puwesto.
Bago ang bagong tungkulin, nagsilbi si Sarmiento bilang kinatawan ng Samar First District sa House of Representatives mula 2010 hanggang 2015, at naging kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) mula 2015 hanggang 2016 sa ilalim ng administrasyong Aquino.
Samantala, ang pagbibitiw ni Galvez ay kasunod ng pag-alis din sa puwesto ni dating National Security Adviser Eduardo Año.
Kapwa sina Galvez at Año ay nagsilbi sa gabinete sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Patuloy namang inaasahan ang Malacañang na palakasin ang peace and security initiatives sa pamamagitan ng bagong liderato sa OPAPRU.
