Galvez, nagbitiw bilang peace adviser ni PBBM

Nagbitiw na sa puwesto si Secretary Carlito Galvez Jr. bilang Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity, ayon sa Malacañang ngayong Martes.

Kinumpirma ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro ang pagbibitiw ni Galvez, ngunit hindi na nagbigay ng detalye hinggil sa dahilan ng pag-alis nito sa puwesto.

Sa kasalukuyan, wala pang inaanunsyong kapalit ang Palasyo para sa naturang posisyon.

Unang itinalaga si Galvez sa tungkulin noong December 2018 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, at ipinagpatuloy ang kanyang panunungkulan sa ilalim ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Bago ito, nagsilbi si Galvez bilang Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines at naging aktibo sa mga peace-building initiatives sa bansa.

Pinamunuan din niya ang National Task Force Against COVID-19 noong kasagsagan ng pandemya, kung saan pinangasiwaan niya ang procurement ng mga bakuna at iba pang hakbang laban sa sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *