Ilang senador, suportado ang oil price regulation

Suportado ng ilang senador ang hakbang ng pamahalaan na i-regulate ang galaw ng presyo ng langis sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon kay Sen. Win Gatchalian, napapanahong hakbang ang Executive Order No. 110 o ang deklarasyon ng national state of energy emergency para mabigyan ng ginhawa ang mga Pilipino.

Nanawagan din siya sa Department of Energy na tiyakin ang transparency at malinaw na paliwanag sa bawat price adjustment.

Nagpahayag din ng suporta si Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson sa fuel price adjustments na itinakda ng DOE, at iginiit na mas mainam ang may intervention ng pamahalaan kaysa hayaang ang mga oil company lamang ang magtakda ng presyo.

Samantala, nagbabala ang DOE na maaaring kasuhan ang mga lalabag sa ipinatutupad na regulasyon, na may kaakibat na parusang pagkakakulong mula tatlong buwan hanggang isang taon at multang aabot sa P300,000.

Maaari rin umanong ipatupad ang takeover powers ng pamahalaan sa ilalim ng Oil Deregulation Law kung kinakailangan upang maprotektahan ang interes ng publiko. | via Ghazi Sarip, D8TV Correspondent

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *