Wala pang natatanggap na impormasyon ang Department of Foreign Affairs o DFA na wala pa silang hawak na opisyal na impormasyon kaugnay sa ulat na pagkakaaresto ni dating Ako Bicol party-list Rep. “Zaldy” Co sa Prague, Czech Republic.
Ayon sa DFA, magbibigay lamang sila ng update sa oras na may makumpirmang detalye bagama’t nauna nang inihayag ni Pangulong “Bongbong” Marcos Jr. sinabing nahuli na umano si Co at kasalukuyang nakakulong sa kustodiya ng Czech authorities matapos pumasok umano sa bansa nang walang tamang dokumento.
Dagdag pa ng Pangulo, nakikipag-ugnayan na ang gobyerno ng Pilipinas sa Czech government upang masigurong masusunod ang legal na proseso at mapauwi si Co sa lalong madaling panahon.
Matatandaang nasangkot si Co sa mga kontrobersiya kaugnay ng flood control projects kabilang ang isyu ng umano’y maling paggamit ng pondo, overpricing, at impluwensiya sa alokasyon ng infrastructure budget. | via Ghazi Sarip
