Madriaga, pumayag na busisiin ang kanyang bank records

Pumirma si Ramil Madriaga, na nagpakilalang dating aide at umano’y “bagman,” ng waiver sa bank secrecy law sa kanyang unang pagharap sa impeachment hearing laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa pagdinig ng House Committee on Justice, pinahintulutan ni Madriaga ang Kamara na suriin ang mga bank account na binanggit sa kanyang supplemental affidavit.

Bago siya payagang umalis sa pagdinig, kinumpirma rin ni Luistro kung nauunawaan ni Madriaga ang implikasyon ng kanyang desisyon, kabilang ang pagkawala ng proteksyon sa ilalim ng bank secrecy law, na sinagot naman niya ng oo.

Sa kanyang affidavit, inamin ni Madriaga na nagsilbi siyang “bank dummy” umano ni dating pangulong Rodrigo Duterte, kung saan ginamit ang kanyang pangalan sa pagbubukas ng iba’t ibang bank account para sa paglilipat ng malaking halaga ng pera.

Ayon sa kanya, kahit maliit lamang ang kanyang kinikita bilang umano’y counterintelligence agent, milyon-milyong piso ang dumaan sa kanyang mga account na aniya’y para sa “intelligence operations” at laundering.

Kabilang sa mga bankong nabanggit niya ay ilang sangay sa Makati, Pasig, at Pampanga. | via D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *