Pagkamatay ng 15 taong gulang na dalagita na naiulat na nawawala sa Pasig City, walang foul play ayon sa PNP

Walang nakikitang foul play ang pulisya sa pagkamatay ng 15 taong gulang na dalagita na naiulat na nawawala nitong Marso a-19 sa Pasig City

Batay sa isinagawang backtracking ng Pasig City Police, lumalabas na nagpunta ito sa isang mall sa Marikina City ng 6:30 ng gabi at matapos lamang ang walong minuto ay agad itong lumabas ng naturang establishimento nitong March 18.

Nahagip ng cctv sa lugar ang pagtawid ng dalagita sa lrt santolan station at pumunta ito sa madilim na parte ng Evangelista street na katabi lang ng estasyon ng tren kung saan may open compound.

Dahil dito ito ang unang pinuntahan ng pulisya kung saan nabigo silang matagpuan ito.

Makalipas ang ilang araw ng pagsasagawa ng backtracking at pakikipag ugnayan sa mga huling nakausap ng biktima.

Pinuntahan ng pulisya at magulang ng biktima ang katapat na compound malapit sa santolan station kung saan siya huling nakita sa cctv at dito nila natagpuan sa isang puno na may nakasabit na katawan ng tao.

Nakuha mula sa crime scene ang isang nylon cord na ginamit sa insidente.

Isinailalim sa autopsy at dna testing ang katawan at nagpositibo na ito nga ang batang nawawala na si Isabelle Sophia Tablete.

Batay din sa imbestigasyon, nagbigay pa ang biktima ng mga liham sa kanyang mga kaklase bilang huling araw na nito sa kanilang paaralan bilang isang grade 9 student.

Sa ngayon, pinag aaralan pa ng pulisya kung magsasagawa mg forensic examination sa telepono ng biktima upang makakalap pa ng karagdagang impormasyon.

Idinagdag pa ng otoridad na walang senyales na ito ay pinatay o ginawan ng anumang karahasan sa biktima. I via Allen Ibañez, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *