50% discount sa MRT 3 at LRT 2, epektibo na

Umarangkada na ang unang araw ng 50% discount sa mga pasahero ng (MRT-3), ngayong lunes, bilang hakbangin ng pamahalaan upang tulungan ang mga pasahero, sa gitna ng lumalalang krisis sa langis.

Epektibo na ngayong MArch 23, 2026, ang ipinag-utso ng pamahalaan na 50% discount sa mga pasahero ng Metro Rail Transit Line 3, at LRT 2, kasabay yan nang itinakdang Transport Holiday ng ilang grupo, upang manawagan sa pamahalaan na lumalala na nga ang lagay ng ekonomiya dahil sa mataas na presyo ng langis.

Sa MRT 3 – Araneta Cubao Station, marami ang mga komyuter na nakaramdam ng kaluwagan sa kanilang pagbyahe dahil sa diskwento.

Si nanay Smiley, mula sa nueva ecija, na anim na taon nang hindi nakakasakay ng MRT, ay hindi napigilang matuwa dahil sa kabawasan aniyang maibibugay sa kanya ng diskwento.

Mula kasi sa Nueva Ecija patunging cubao, ay inabot na ng mahigut tatlundaang piso ang kanyang pamasahe, para maideliver ang kanyang nayaring tahi dito sa maynila.

“Maganda malaking tulogn po yun. Na nanahi po ako, syempre kapag idedeliver mo yung tahi mo, malaking tulong yun sayo” ani Smiley.

Bukod kay Nanay Smiley, malaki rin ang ginhawa ng diskento para sa pamilya nina Cristel at Ramil Reyes, na suking pasahero ng MRT 3.

Para naman kay Crystel sapat ang diskwento dahil malaki ang naibabawas nito sa pagbyahe nang kanyang buong pamilya.

Unang inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) ang ipatutupad nitong 50% diskwento para sa lahat ng pasaherong may gamit ng beep card o single journey tickets.

Dahil sa diskwento, umaabot na lamang sa sais pesos ang minimum fare sa MRT, na kayang itawid ang pasahero sa dalawang istasyon, habang 14 pesos na lamang ang babayaran para naman sa point to point joyrney o mula North avenue hanggang Taft o edsa station. | via Judea Bernardo, D8TV Correspondent

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *