Matatapos na ang trabaho ng Independent Commission for Infrastructure (ICI), sa pag-iimbestiga ng umanong maanomalyang flood control project.
Ngayong Biyernes, opisyal nang itinurn-over ni ICI chairperson Andres Reyes Jr., ang lahat ng dokumento, ebidensya at resulta ng kanilang imbestigasyon kaugnay ng mga umano’y anomalya sa ilang proyekto ng imprastraktura ng pamahalaan, kay ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla.
Ayon sa komisyon, ang mga dokumentong ito ay bahagi ng kanilang mga natuklasan na naunang nakapaloob sa 125-day report na isinumite sa Office of the president of the Philippines noong February 6 2026.
Halos anim na buwan nang nagpapatakbo ang ici, ngunit ayon sa komisyon, siyamnapung araw lamang itong nakapag-operate bilang isang collegial body matapos magbitiw ang dalawa nitong komisyoner.
Ang parehong mga dokumento ay ipapadala rin sa department of justice at department of public works and highways para sa kanilang rekord, pagsusuri at karampatang aksyon.
Sa kabila nito, sinabi ng komisyon na nakabuo na sila ng investigative framework at methodology na maaaring gamitin ng mga ahensyang may mandato sa prosekusyon upang masuri ang mga posibleng anomalya sa mga proyektong imprastraktura.
Paglilinaw naman ni reyes, mananatiling operation ang fact-finding body, upang tuluyang tapusin ang kanilang pag-iimbestiga sa flood control project contorversy.
Hinimok din ng ici ang technical working group for asset recovery na ipagpatuloy ang kanilang mga hakbang upang maibalik sa pamahalaan ang mga pondong posibleng nawaldas.
Kasabay nito, umaasa rin ang komisyon na agad na tatalakayin ng kongreso ang mga panukalang batas na naglalayong lumikha ng independent peoples’ commission at independent commission against infrastructure corruption. | via Judea Bernardo, D8TV Correspondent
